Proteksyon sa mga empleyadong may exposure sa COVID-19 inihirit ni Sen. Lito Lapid
Naghain ng panukalang-batas si Senator Manuel Lapid na layon magkaroon ng mas malawak na employment security ang mga trabahador na may exposure sa COVID-19 dahil sa kanilang trabaho.
Sa ilalim ng Senate Bill 1910, ang empleyado ay maaring isangguni sa kompanya ang kanyang mga pangamba ukol sa kanyang kalusugan.
Ayon kay Lapid dapat ay agad kumilos at tugunan ng kumpanya ang mga pangamba, gaya ng dagdag na safety equipment, pag-adjust sa work environment at work schedule.
Kapag nabigo ang kumpaniya maaring dumulog sa DOLE ang empleyado para maimbestigahan ang kanyang reklamo.
Hindi naman, ayon kay Lapid, maaring papanagutin ang kumpanya kung magkaka-COVID ang empleyado maliban na lang kung may mga nalabag na batas kaugnay sa ligtas na pagta-trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.