Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 10,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 10:45 AM

Umabot na sa 1,364,461 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 258,333.

Umabot naman na sa mahigit 168,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 132,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 100,000 na.

Umabot naman na sa mahigit 39.7 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 16.1 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 258,333
Brazil – 168,141
India – 132,202
Mexico – 100,104
UK – 53,775
Italy – 47,870
France – 47,127
Iran – 43,417
Spain – 42,291
Argentina – 36,532

 

 

 

TAGS: Brazil, COVID 19 death related, deathtoll, US, Brazil, COVID 19 death related, deathtoll, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.