Provincial Govt. ng Rizal hiniling sa pamahalaan na ipatigil ang lahat ng mining activities sa buong lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 10:29 AM

Sumulat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamahalaan para hilingin ang pansamantalang pagpapahinto ng lahat ng licensed mining activities sa buong lalawigan.

Partikular na nagpadala ng liham si Rizal Gov. Rebecca Ynares kina Pangulong Rodrigo Duterte at kay DENR Sec. Roy Cimatu.

Sa naturang liham, hinihiling ng provincial government kay Pangulong Duterte at sa DENR na
kanselahin at ipatigil ang lahat ng mga MPSA licensed mining activities sa Rizal.

Ang parehong kahilingan ay ginawa rin noon ng Provincial Government matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy taong 2009.

Muling inulit ang kahilingan noong taong 2016.

Ayon sa Provincial Government, noong matapos ang Ondoy taong 2009, naglabas ang DENR ng isang pag-aaral na nagsasabi na hindi mining ang dahilan ng pagbaha.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, DENR, Inquirer News, mining activities, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DENR, Inquirer News, mining activities, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.