Mon Tulfo, 6 na iba pa pa kinasuhan ng cyber libel
Pinasasampahan na ng kasong cyber liber sa korte ang kolumnistang si Ramon Tulfo at anim na iba pa.
Sa limang-pahinang resolution ng Quezon City Prosecutors Office, nakakita ng probable cause upang kasuhan ng Cyber Libel sa ilalim ng RA 10175 ang nasabing kolumnista at ang may-ari ng dyaryong Manila Times na si Dante Ang at ang kanyang mga editor na sila Rene Bas, Lynette Luna, Blanca Mercado, Nerilyn Tenorio and Leena Chua.
Nag-ugat ang kaso sa complaint ni Adonis Samson o tinatawag na Don Samson na Executive Assistant ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Ceasar Dulay laban kay Tulfo, Ang at mga editor ng Manila Times dahil sa column na isinulat ni Tulfo noong September 14, 2019 na pinamagatang “BIR’s Dulay is Right in Defending Himself.”
Sa naturang column pinangalanan ni Tulfo sila Teresita Angeles at Don Samson na naguusap na nairecord sa videotape tungkol sa pagkaka-itsa pwera nila sa compromise agreement ng Mighty Cigarettes at Del Monte Philippines Corp.
Sinasabing bilyon bilyon ang utang nila na buwis sa BIR pero dahil sa compromise agreement, kakaunti lamang ang kanilang ibinayad.
Sinasabi na nakitaan ng malice ang naturang column dahil pinalanganan niya ang complainant bilang isa sa mga taong nag-uusap na video recording laban kay BIR Commissioner Dulay.
Malinaw din ayon sa resolution na ang complainant ang tinutukoy dahil ito ay pinangalanan sya mismo ni Tulfo sa kanyang column na lumabas sa nasabing pahayagan at nabasa ng ibang tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.