COVID-19 walang epekto sa pondo ng PhilHealth ayon kay Sen. Ralph Recto

Sa naging deliberasyon sa Senado sa 2021 budget ng PhilHealth, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mistulang patak lang sa pondo ng ahensiya ngayon taon ang nagasta sa COVID 19 response.

Ayon kay Recto, sa halos P140 billion 2020 operating budget ng PhilHealth, P3.4 billion lang ang COVOD 19 related reimbursements.

Ito aniya ay para sa testing at pagpapagamot ng PhilHealth members.

Patunay lang ito ito aniya na kathang-isip o imahinasyon lang ang sinasabing ubos na ang pondo ng Philhealth.

Dagdag pa ng senador maaring bumaba din ang hospital pay-outs ng PhilHealth dahil maraming miyembro ang hindi o ipinagpaliban ang kanilang hospital admission dahil sa matinding takot na mahawa ng COVID 19.

Pinansin din ni Recto na bumaba din ang reimbursements ng mga miyembro na nasasangkot sa mga aksidente sa kalsada.

Gayunman, aminado ang senador na maaring bumaba din ang premium payments dahil milyun-milyon ang nawalan ng trabaho sa pribadong sektor.

 

 

 

 

 

Read more...