Pangulong Duterte abala sa APEC Summit ngayong araw

By Chona Yu November 20, 2020 - 09:32 AM

Magiging abala si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para sa virtual 27th APEC Economic Leaders’ Meeting.

Host sa pagpupulong ngayon ang Malaysia.

Base sa abiso ng Malakanyang makakasama ng Pangulo ang 21 member-economies ng APEC kung saan ay kanilang tatalakayin ang usapin na may kinalaman sa health and economic impact ng COVID-19 pandemic ganundin ang isyu tungkol sa mga ikakasang economic recovery efforts.

Ilalahad ng pangulo sa Economic Leaders meeting ang vision ng Pilipinas hinggil sa APEC’s post-2020 at posisyon ng bansa patungkol sa mga hamon na may kinalaman sa multilateral trading system.

Makakasama ng Chief Executive ang ilang cabinet officials kagaya nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

Ang mga bansang kasama sa 21 member-economies of APEC ay Australia, Brunei Darussalam, Canada, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, the Russian Federation, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, America at Viet Nam.

 

 

 

 

 

TAGS: 27th APEC Economic Leaders’ Meeting, APEC Meeting, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 27th APEC Economic Leaders’ Meeting, APEC Meeting, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.