Climate change mitigation dapat isama sa mga programa ng gobyerno – Sen. Marcos
Humihirit si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pamahalaan na isama sa lahat ng pagpaplano sa pagpapatakbo ng pamahalaan ang pagharap sa epekto ng climate change.
Ayon kay Marcos dapat i-disenyo nang maayos ang mga infrastructure projects ng gobyerno para mabawasan ang anumang masamang epekto ng climate change.
Dagdag ni Marcos, ang lahat ng ahensya ng gobyerno na naatasang tumulong sa panahon ng kalamidad ay dapat pag-ibayuhin ang paghahanda para madaling maghatid ng tulong sa taong bayan na maarinh maapektuhan ng anumang krisis.
Ang panawagan ni Marcos, kandidato bilang bise presidente, ay kasunod ng pagbisita ni environment advocate at dating US Vice President Al Gore sa bansa kaugnay sa kanyang panawagan sa pagsasanib pwersa ng lahat ng bansa para maghanda sa epekto ng climate change.
Dapat aniyang pangalagaan ang kalikasan at matuto na ang taumbayan sa aral na idinulot ng nagdaang bagyong Yolanda.
Base sa 2015 report ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction, nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas na pinakamadalas tamaan ng mga kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.