Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales November 20, 2020 - 07:45 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.01 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (November 20) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.63 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.13 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.25 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.43 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.36 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga at Caliraya dams.

 

 

TAGS: Angat Dam, dam status, la mesa dam, water level, Angat Dam, dam status, la mesa dam, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.