LOOK: Mga hindi pa madadaanang kalsada sa Cagayan

Nasa 13 ang bilang ng nasawing residente sa Cagayan dahil sa pagbaha.

Ilang lugar kasi sa nasabing probinsya ang lumubog sa baha dulot ng Bagyong Ulysses.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (November 19), nasa pito ang nasugatan at lima ang nakuryente.

Nanatili naman sa kabuuang 52,598 pamilya o 175,954 ang bilang ng evacuees sa Cagayan.

Ito ay mula sa 320 barangay sa 24 munisipalidad.

Narito naman ang lagay ng mga kalsada sa Cagayan:

Read more...