San Miguel Corp., nakapag-abot na ng P16.3M na halaga ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo
Umabot na sa P16.3 Million ang halaga ng naipamahaging tulong ng San Miguel Corporation sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses.
Ayon kay San Miguel President at COO Ramon Ang, umabot na sa 23 lungsod at mga lalawigan ang nahatiran ng tulong.
Kabilang dito ang Cagayan, Isabela, Catanduanes, Quezon province, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Batangas, Laguna, Rizal, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marikina, Navotas, Malabon, Manila at Pasig.
Kabilang sa naibibigay na tulong ay hot meals para sa mga nasa evacuation centers at food packs para sa mga pamilyang nasalanta.
“Our efforts are ongoing so we will continue to give you updates. This highlights the hard work of our employees and partners who make sure help is extended to more of our countrymen. Sama-sama, babangon tayo!,” ayon kay Ang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.