LOOK: Mga bilihin na sakop ng prize freeze ngayong nakasailalim sa state of calamity ang buong Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 12:23 PM

Dahil sa pagsasailalim sa state of calamity sa buong Luzon, dapat ay ipatupad din ang prize freeze sa mga pangunahing bilhin.

Sa virtual briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque tiniyak nitong nakatutok ang Department of Trade and Industry upang masiguro na naipatutupad ang prize freeze.

Kabilang sa sakop ng prize freeze ang mga pangunahing pagkain gaya ng mais, bigas, itlog, karne, at iba pa.

Sakop din dapat ng proze freeze ang mga delata, kape, tinapay, sabong panlaba, bottled water at tubig na nasa containers.

Ang mga gamot na classified ng Department of Health bilang “essentials” ay hindi rin pwedeng gumalaw ang presyo.

Gayundin ang presyo ng LPG at kerosene.

Tiniyak naman ng DTI na masusing babantayan ang pagpapairal ng prize freeze.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, dti, Harry Roque, Inquirer News, Luzon, Philippine News, prize freeze, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, dti, Harry Roque, Inquirer News, Luzon, Philippine News, prize freeze, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.