Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng pangulo ang pagpasok ng bansa sa Advance Market Commitments (AMCs) sa mga pribadong vaccine developers.
Inaprubahan din ng pangulo ang agad na paglalabas ng advance payments sa mga kumpanyang lumikha ng bakuna.
Kabilang sa posibleng isagawa ay ang pagkakaroon ng Private-Public Tripartite Agreements kung saan walang gagastusin ang pamahalaan.
Inaprubahan din ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng Executive Order para sa Emergency Use Authority sa bakuna.
Una rito, kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na nakumbinsi ng IATF si Pangulong Duterte na mag-isyu na ng EO habang maaga para hindi matagalan ang pag-roll out ng COVID-19 vaccine ang proseso ng emergency use authorization.
Sinabi ni Duque na maaring sa 2nd o 3rd quarter ng 2021 ay may bakuna na laban sa COVID-19.