Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 10,000 pa

Umabot na sa 1,353,825 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 256,162.

Umabot naman na sa mahigit 167,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 131,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 99,000.

Umabot naman na sa mahigit 39.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 15.8 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 256,162
Brazil – 167,497
India – 131,618
Mexico – 99,026
UK – 53,274
Italy – 47,217
France – 46,698
Iran – 42,941
Spain – 42,039
Argentina – 36,347

 

 

 

Read more...