Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit kalahating milyon sa magdamag

Umabot sa mahigit kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes, (Nov. 19) ay 56,536,120 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 596,000 na bagong kaso sa magdamag.

Sa magdamag, mahigit 164,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 45,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 35,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 11,864,776
India – 8,958,143
Brazil – 5,947,403
France – 2,065,138
Russia – 1,991,998
Spain – 1,542,467
UK – 1,430,341
Argentina – 1,339,337
Italy – 1,272,352
Colombia – 1,218,003

 

 

 

 

 

 

Read more...