Noong kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Ulysses, nawasak ang kanilang mga barong-barong kaya nagtyatyaga muna silang manirahan sa mga tent.
Ang Ginang na ito, kapapanganak pa lamang noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Kaya ang kaniyang baby girl, pinangalanan niyang Eunice na hango sa Ulysses.
Pero noong 2009, sa kasagsagan ng pagtama ng Typhoon Ondoy, nanganak din ang ginang sa kaniyang panganay.
Pinangalanan niya itong Andoy na hango sa Ondoy.
Sila ay mga Dumagat na galing pa ng Iloilo at nanirahan ng Montalban Rizal.
Noong Miyerkules, hinatiran sila ng tulong ng Rosa Verde Villas HOA Officers sa pangunguna ni Pastor Bobby Talla Lucero.
Dahil naanod ang lahat ng kanilang mga gamit, higit na kailangan ngayon sa komunidad ang mga gamit sa bahay.
Kailangan din nila ng mga gamit para makapagtayo muli ng bahay na kanilang masisilungan.
Sa mga nais magbigay ng donasyon, narito ang mga pangunahin nilang pangangailangan:
✅Pako
✅Kahoy
✅Plywood
✅Alambre
✅Martilyo
✅Plyers
✅Plato
✅Kaldero
✅Lutuan
✅Sandok
Maaring makipag-ugyanan sa cellphone number na 0963-631079 para sa direktang tulong sa kanilang grupo, pwede ring makipag-ugnayan kay Brander Basilio sa numerong 09453283260 para maihatid ang tulong sa mga Dumagat.