Mahigit 38,000 pang Meralco customers ang walang kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 09:06 AM

Mayroon pang mahigit 38,000 na Meralco customers ang nananatiling walang suplay ng kuryente.

Ayon sa update mula sa Meralco, alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 19, 38,826 na customers ang wala pa ring kuryente matapos ang panalalasa ng Typhoon Ulysses.

Pinakamaraming apektado pa ng power interruption ay sa Bulacan na aabot pa sa 35,586 na customers.

Sa Rizal, mayroon pang 1,594 customers ang walang kuryente.

1,350 na customers sa Pampanga at 296 customers sa Metro Manila.

Tiniyak ng Meralco na patuloy ang pag-serbisyo ng kanilang mga crew para maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga apektado pang lugar.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Bulacan, Inquirer News, Meralco, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssePH, Breaking News in the Philippines, Bulacan, Inquirer News, Meralco, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssePH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.