Globe, Ayala naghatid ng meal packs, in-kind donations sa Isabela at Cagayan

Tuloy ang relief operations ng Globe Telecom sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses.

Lulan ng truck ng Makati Development Corporation, inihatid sa Cagayan at Isabela ang meal packs, goods, at in-kind donation mula sa Globe Telecom at Ayala Foundation, Inc.

Nagpadala na rin ang Manila Water at Manila Water Foundation ng 1,000 galon ng malinis na tubig para sa Cagayan Valley.

Habang magpapadala rin ng 3,000 packs ng bigas ang Ayala Coop Official Account.

Sa mga darating na araw, magtatayo ang Globe ng repacking centers sa tulong ng local government units ng Cagayan at Isabela pati na rin ng simbahan at DepEd para sa mas mabilis na paghahanda ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan at Isabela.

 

 

 

 

 

Read more...