Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 45,000

Umabot na sa lagpas 8.9 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 45,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,958,143 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.32 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 444,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 131,618 na.

 

 

 

Read more...