Las Piñas City Rep. Camille Villar tinanggihan ang posisyon bilang deputy speaker

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 08:02 AM

Tumanggi si Las Piñas City Representative Camille Villar sa ibinigay sa kaniyang pwesto bilang deputy speaker ng House of Representatives.

Sa kaniyang liham na naka-address kay House Speaker Lord Allan Velasco, nagpasalamat si Villar sa inialok na posisyon.

Sinabi ni Villar na bagaman nagpapasalamat siya at karangalan ang naturang oportunidad ay tinatanggihan niya ang nominasyon at designation.

Nais umano niyang matutukan ang responsibilidad sa kaniyang constituents.

Tiniyak din nitong makikiisa sa mga kapwa mambabatas at liderato ng Kamara sa pagbuo ng mga policy measures na makatutulong sa personal at economic relief sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo at apektado ng pandemic.

Kasabay nito tiniyak ni Villar ang suporta kay Velasco sa legislative agenda nito sa Kamara.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Camille Villar, COVID-19, department of health, deputy house speaker, Health, House of Representatives, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Camille Villar, COVID-19, department of health, deputy house speaker, Health, House of Representatives, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.