Tatlong dam sa Luzon nagpapakawala pa din ng tubig

Tatlong mga dam pa sa Luzon ang patuloy sa pagpapakawala ng tubig.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ang Ambuklao dam ay nasa 751.51 meters ang water level alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Nov. 19.

Mayroon itong isang gate na nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Ang Binga dam naman ay dalawang gate pa din ang nakabukas.

Nasa 574.46 meters ang water level ng Binga dam.

Habang mayroon pa ding isang gate na nakabukas sa Magat dam.

Nasa 191.89 meters ang water level ng Magat dam.

Samantala, lagpas na din sa normal high water level ang Angat dam.

Nasa 212.63 meters ang water level nito ngayong Huwebes ng umaga.

 

 

 

Read more...