Mas mataas na budget sa DOST inihirit ni Sen. Gordon para matulungan ang mahuhusay na scientists sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 06:27 AM

Kailangang mabigyan ng mas mataas na budget ang Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Senator Richard Gordon, maaring pagmulan ng mahuhusay na scientists ang DOST.

Kailangan aniyang paglaanan ng pondo ang pagtulong sa mga Science High School graduates.

Malaki ayon kay Gordon ang tsansa ng Pilipinas na magkaroon ng mahuhusay na scientist na kayang makipagsabayan sa ibang mga bansa sa pagbuo ng mga gamot.

Kung hindi aniya ito mangyayari ay patuloy lamang na mangingibang bansa ang mahuhusay na Filipino.

“We need to help the DOST. We need to assist our Science High School graduates to have opportunities in our country and help improve our R&D. We should invest in them and give them choices,” ayon kay Gordon.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, DOST, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Science High School graduates, scientists, Senator Richard Gordon, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DOST, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Science High School graduates, scientists, Senator Richard Gordon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.