Ilang mga lansangan sa Metro Manila, binaha

July 08, 2015 - 03:51 PM

tumana river
Kuha ni Ricky Brozas

Nakaranas ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa malakas at pabugso-bugsong pag-ulan simula pa kagabi.

Ang pag-ulan ay dulot ng hanging habagat na pinalakas ng nakaraang bagyong Egay at ng bagyong Falcon na pumasok kagabi sa Philippine Area of Responsibility.

Nakaranas ng gutter deep na pagbaha sa kanto ng Maceda at sa kahabaan ng España Blvd. pero nadadaanan pa naman ito ng mga sasakyan.

Umabot naman hanggang dalawang talampakan ang tubig baha sa kahabaan ng Rizal Avenue hanggang sa R.Papa St. sa Sta. Cruz Maynila kaya hindi nakadadaan ang maliliit na sasakyan.

Hanggang gutter din ang tubig sa kahabaan ng Taft Avenue, UN Avenue hanggang sa General Luna St. maging sa Blumentritt.

Sa Valenzuela City,  nanatiling passable ang mga pangunahing kalsada maliban sa MacArthur highway hanggang sa Marulas dahil naman sa nakatiwangwang na road construction doon.

Pagtitiyak naman ni Mara Salazar ng Valenzuela City social media team,  wala pa namang inililikas dahil hindi pa naman tumataas ang tubig.

Handa naman aniya ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management Council sakali’t magkaroon ng mga pagbaha at kinakailangang ilikas ang maaapektuhang residente.

Nagkaroon din ng pagbaha sa Araneta Avenue kasama ang Roxas district at ilang lugar sa Mandaluyong city kung saan umabot hanggang baywang ang tubig baha.

Samantala,  nakabantay naman ang mga barangay officials dahil sa pinangambahang pag-apaw ng tubig sa Tumana River,

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Chairman Siegfred Ancieta ng Brgy. Tumana patuloy ang pagbabantay nila sa ilog.

Bago mag-alas 2:00 ng hapon ay nasa 14 meters ang water elevation sa Tumana River na tatlong metro na lang sa spilling leve na 17 meters.

Kinailangan ding suspindihin ang klase sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-ulan at mga pagbaha.-

Aabot sa dalawamput tatlong pamilya na naninirahan malapit sa isang creek sa Barangay Batasan sa Quezon City ang kinailangang ilikas dahil sa pagtaas ng tubig.

Ang mga residente ay pansamantalang dinala sa simbahan ng San Isidro. – Jimmy Tamayo, with reports from Chona  Yu,Ricky Brozas, Jong Manlapaz

TAGS: baha, tumana river, baha, tumana river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.