Senator Manny Pacquiao, bagong brand ambassador ng Globe Telecom; makukuhang talent fee ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses

Si Senator Manny Pacquiao ang pinakabagong brand ambassador ng Globe Telecom.

Pormal na inanusyo ang pagiging Globe endorser ni Pacquiao sa simpleng seremonya na dinaluhan ng senador, si Globe Telecom President at CEO Ernest Cu, at Ayala Corporation Chairman and CEO Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Sa kaniyang pahayag sinabi ng senador na ido-donate niya ang kanyang kikitain sa endorsement sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

Malaking tulong aniya ito lalo na sa mga residenteng labis na tinamaan ng bagyo at ngayon ay nagugutom at walang tirahan.

“Ibibigay natin sa mga taong ito ang ating income dito. Ibabalik natin sa taumbayan para makatulong ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan. Sama sama tayong babangon,” ayon sa senador.

Ayon naman kay Cu, isang halimbawa si Senator Pacquiao ng pagiging totoong “global Filipino”.

“Much like Manny who remains unfazed by the challenges of this pandemic, Globe has remained steadfast in providing Filipinos with digital solutions, mobile and internet services that have become lifelines under the new normal,” ayon kay Cu.

 

 

 

Read more...