Ibinida ng Department of Budget and Management ang 13 percent na paglago ng government spending sa nakalipas na taon ng 2015.
Ayon sa DBM, kulang lamang ito ng dalawang percentage points sa pinakamataas na naitala noong 2012.
Gayunman, mas mataas pa rin ito ng hindi hamak sa naitalang full year spending noong 2014 na 5.4 percent at noong 2013 na 5.8 percent.
Base sa tala ng DBM, umaabot sa 2.230 billion pesos ang disbursements noong 2015, mataas ng halos 250 million noong 2014.
Ang magandang performance ay bunga ng mas malaking disbursements sa Maintenance and Operating Expenses na umakyat ng 30 percent at capital outlays na tumaas ng 25 percent.
Matatandaang dati ay binabatikos ng ilang panig ang mababang government spending ng gobyerno na dahilan umano ng pahina ng ekonomiya at pagkabigo na maibigay ang mga kainakailangang proyekto para sa mamamayan.