Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, higit 1,000 pa

Nagkaroon pa ng 71 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 18, 23,433 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,094 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 44 ang bagong gumaling kung kaya 20,965 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,374 pa rin ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...