Malawakang balasahan sa liderato ng Kamara, isinagawa
Muli na namang nagpatupad ng balasahan sa liderato ng Kamara.
Sa sesyon sa araw ng Miyerkules, November 18, inalis bilang mga Deputy Speaker sina Batangas Rep. Raneo Abu, Capiz Rep. Fredenil Castro at Laguna Rep. Dan Fernandez na mga pawang kilalang kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Pinalitan naman ang mga ito bilang mga Deputy Speaker sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriquez, Las Piñas Rep. Camille Villar at Buhay Rep. Lito Atienza na kaalyado naman ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco.
Itinalaga naman bilang chairman ng House Committee on Energy si Pampanga Rep. Mikey Arroyo bilang kapalit ni Speaker Velasco.
Inalis din bilang pinuno ng House continent sa House of Representative Electoral Tribunal si Kabayan Rep. Ron Salo at ipinalit si Caloocan Rep. Dale Malapitan.
Si ACT-CIS Rep. Eric Yap na kasalukuyang chairman ng House Committee on Appropriations hinirang bilang vice chairman ng House Committee on Accounts.
Nagbitiw naman bilang House Secretary-General si Atty. Jocella Bighani Sipin at ipinalit si dating Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza na dating pinuno ng National People’s Coalition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong siya ay kongresista pa.
Itinalaga naman bilang caretaker ng 1st District ng Cebu si Speaker Velasco kasunod ng pagkasawi ni Rep. Raul Del Mar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.