Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 18, nasa 11,545 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,244 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa isa naman ang bagong gumaling kung kaya 7,468 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa rin ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 833 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,530 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,311 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 830 naman ang kaso sa Americas at 1,874 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.