DA Kadiwa ni Ani at Kita, inilunsad na

By Angellic Jordan November 18, 2020 - 02:48 PM

Photo grab from DA Facebook video

Opisyal nang inilunsad ang “Department of Agriculture (DA) Kadiwa ni Ani at Kita,” araw ng Miyerkules, November 18.

Ayon sa kagarawan, inilunsad ang proyekto sa Agribusiness Development Center (ADC) kung saan matatagpuan sa harap ng DA Building sa Quezon City.

Sinabi ni DA Assistant Secretary for Agribusiness Kristine Evangelista na inilunsad ito dahil sa malaking paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa mga palengke.

“So ang ginagawa po natin, ‘yung mga suppliers po natin, mga producer nandito sila ngayon. Although nagka-Kadiwa na po tayo sa ibang lugar, gusto po kasi nating makita ng mga retailers na mayroong alternatibong pwedeng pagkuhanan ng kanilang mga produktong binebenta sa palengke,” pahayag ni Evangelista.

“There is a way para bumaba po ang presyo ng mga agri commodities sa ating mga pamilihang bayan,” dagdag pa nito.

Pwedeng mabili rito ang mga sariwang gulay, prutas, at karne sa murang halaga.

Bukas ang DA Kadiwa sa ADC sa publiko tuwing araw ng Biyernes.

TAGS: Asec. Kristine Evangelista, DA Kadiwa ni Ani at Kita, DA project for agri commodities, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Asec. Kristine Evangelista, DA Kadiwa ni Ani at Kita, DA project for agri commodities, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.