Platform monitors, inilagay sa ilang istasyon ng MRT-3
Naglagay na ng mga bagong platform monitor sa ilang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Kasabay ito ng pag-install ng mga bagong CCTV camera sa mga istasyon ng nasabing tren.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Sa ngayon, may naikabit nang tig-dalawang platform monitors sa bahagi ng North Avenue, Quezon Avenue at GMA-Kamuning para mapanatili ang kaayusan sa MRT-3.
Target namang makapagpalagay ng platform monitors sa lahat ng istasyon ng rail line.
Samantala, may mga naka-deploy na station at train marshalls sa mga istasyon at loob ng mga tren para mapaalalahanan ang mga pasahero sa pagsunod sa health and safety protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.