Bilang ng nasawi sa Cagayan, umabot na sa 14

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawing residente sa Cagayan dahil sa pagbaha.

Ilang lugar kasi sa nasabing probinsya ang lumubog sa baha dulot ng Bagyong Ulysses.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office hanggang 3:00, Miyerkules ng madaling-araw (November 18), nasa 14 na ang bilang ng nasawi habang pito ang nasugatan at apat ang nakuryente.

Umabot naman sa kabuuang 52,598 pamilya o 175,954 ang bilang ng evacuees sa Cagayan.

Ito ay mula sa 320 barangay sa 24 munisipalidad.

Narito naman ang lagay ng mga kalsada sa Cagayan:

Read more...