Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,189 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Miyerkules (Nov. 18).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 500 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
22,999 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 690 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 16,359 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES