Handang makipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Department of Education (DepEd) upang muling maituro ang Good Manners and Right Conduct o GMRC sa mga pampublikong pamantasan ng lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno ito ay para maituro muli ang mabubuting asal sa mga kabataan upang matuto ang bawat isa na rumespeto at magmalasakit sa kanilang kapwa.
Nanindigan din si Moreno na susi ang Values Education upang mapabuti ang karakter ng mga kabataan na magiging mga pinuno ng bansa sa hinaharap.
Ayon kay Mayor Isko, makapaglulunsad ng malawakang information dissemination initiatives ang Pamahalaang Lungsod ukol sa GMRC kasabay ng pagsasagawa nito ng trainings at seminars para sa mga guro na pangungunahan ng Division of City Schools-Manila.
Samantala, inihayag din ni Mayor Isko ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa layunin ng Department of Education na palakasin ang implementasyon sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) program sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa alkalde, malaki ang kontribusyon ng agham at teknolohiya sa pagpapaunlad ng bansa at hindi alintana ng Pamahalaang Lungsod ang pagkilos kasama ang Department of Education upang makapagtayo ng mas maraming mga Science at Math laboratories sa buong Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.