Payo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo kung maging pangulo na ng bansa.
Ayon sa pangulo, kapag marami nang nabiling swimsuit si Robredo dapat na nitong umpisahan ang paglabgiy sa bansa.
Matinding pangbabatikos ang inabot ni Robredo sa Talk to the Nation kagabi ng pangulo dahil sa pagpapauso sa hashtag na #NasaanAngPangulo sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Batid naman aniya ni Robredo na abala siya sa ASEAN Summit.
Babala ng pangulo, kapag inulit pa ni Robredo ang pagkakamali, matinding pang-iinsulto na ang aabutin nito.
Ayon sa pangulo, matinding paglalaro na ang ginagawa ni Robredo at pilit na pinalalabas na natutulog lamang siya tuwing may bagyo.
Masyado na aniyang pa-beauty si Robredo.
“So when you’d become the president, if you want, buy some plenty of swimsuits and start to swim when the floods come,” ayon sa pangulo.
Hindi pa panahon ni Robredo na maging pangulo ng bansa.
“Next time, do not make a mistake or I’ll be forced to insult you because you are playing too much. Nagpapa-beauty ka. It’s not the time for you,” dagdag ng pangulo.
Pagtitiyak ng pangulo, kapag nagsimula na si Robredo na mangampanya bilang pangulo, wawaswasan niya ito ng husto.
Pero ayon sa pangulo, sa ngayon irereserba niya muna ito kasabay ng pagtitiyak na magiging nightmare o bangungot ito ni Robredo.