Task Force sa rehabilitation efforts sa mga nasalanta ng bagyo hindi na pamumunuan ni ES Medialdea
Nagbago na ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng task force na tututok sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force.
Sa halip, itinalaga ng pangulo sina DPWH Secretary Mark Villar at DENR Secretary Roy Cimatu na ang mangangasiwa sa Task force.
Binago kasi aniya ng pangulo ang Executive Order na lumilikha sa “Build Back Better Task Force.”
Ang pagbabago ay ginawa sabi ni Roque base na din sa siyensya.
Dapat lang din naman ayon pa kay Roque na DPWH ang manguna sa rehabilitation efforts gayung ang pinag- uusapan ay pagkukumpuni at paggawa ng mga tulay, lansangan at mga gusali na winasak ng bagyo.
Nasa DENR naman aniya ang balwarte kung scientific reason ang pag-uusapan lalo na sa isyu ng climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.