Converge naibalik na ang serbisyo sa lahat ng kanilang service areas

Naibalik na ng Converge ang serbisyo nito sa lahat ng service areas sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng Converge, sinabi nitong na-restore na ang kanilang connectivity makaraang magkaproblema simula pa kahapon.

Nagpasalamat naman ang Converge sa mga subscriber nito.

“Connectivity has been restored across all our service areas. We appreciate your patience as our team worked around the clock to bring everyone back online,” ayon sa pahayag ng Converge.

Tiniyak ng Converge na patuloy ang pagpapabuti sa kanilang mga pasilidad para masigurong hindi na mauulit ang naranasang problema.

 

 

 

 

Read more...