Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 10,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2020 - 10:20 AM

Umabot na sa 1,342,683 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 254,098.

Umabot naman na sa mahigit 166,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 131,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 98,000.

Umabot naman na sa mahigit 38.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 15.6 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 254,098
Brazil – 166,743
India – 131,031
Mexico – 98,861
UK – 52,745
Italy – 46,464
France – 46,273
Spain – 41,688
Iran – 42,461
Argentina – 36,106

 

 

 

TAGS: COVID, death toll, global death, pandemic, COVID, death toll, global death, pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.