Bagong platform monitors nailagay na sa mga istasyon ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2020 - 10:14 AM

Kasunod ng paglalagay ng mga bagong CCTV cameras, naglagay na rin ng mga bagong platform monitors sa mga istasyon ng MRT-3 bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa buong linya nito.

May naikabit na tig-dalawang platform monitors sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue at GMA-Kamuning.

Layunin nito na mapanatili ang kaayusan sa MRT-3 area.

Target na makapagpalagay ng mga platform monitors sa lahat ng istasyon ng rail line.

Mananatili naman ang deployment ng train marshalls sa mga istasyon at loob ng mga tren upang mapanatili ang kaayusan at mapaalalahanan ang mga pasahero sa mga health and safety protocols na ipinatutupad.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, Philippine News, platform monitors, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, Philippine News, platform monitors, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.