Kahun-kahong smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Coast Guard lulan ng dalawang bangka sa Sulu

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang lantsa sa karagatang sakop ng Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.

Ang ML Faida lulan ang siyam nitong crew ay naharang habang nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG.

Dahil sa kawalan ng boat captain at vessel safety certificate ay nagsagawa ng inspeksyon ang coast guard sa dalawang bangka at doon natuklasan ang 39 na master cases ng smuggled na sigarilyo.

Naiturn over na sa Bureau of Customs ang mga kontrabando para sa imbentaryo.

 

 

 

 

 

 

Read more...