11 road sections nananatiling sarado dahil sa pinsala ng Typhoon Ulysses
By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2020 - 08:41 AM
Mayroong labingisang road sections pa sa bansa na nananatiling sarado dahil sa pinsala ng Typhoon Ulysses.
Sa update mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), dalawang kalsada ang sarado pa sa CAR, tatlo sa Region II, lima sa Region III, at isa sa Region IV-A.
Ito ay dahil sa mga naitalang soil collapse, landslide, roadslip, mudflow at pagbaha.
Patuloy ang clearing operations ng DPWH sa mga apektadong kalsada upang mabuksan ito sa mga motorista sa lalong madaling panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.