Pfizer nakatakda nang mag-apply para sa “emergency use approval” ng COVID-19 vaccine

Nalalapit nang maghain ng aplikasyon ang kumpanyang Pfizer para sa “emergency use approval” ng kanilang coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

Ayon sa kumpanya, nakumpleto na nila ang pagkulekta ng safety data na kanilang isusumite sa US-FDA.

Ang bakuna ng Pfizer ay binuo kasama ang BioNTech ng Germany na batay sa resulta ng testing ay mayroong mahigit 90 percent effectivity rate pagkatapos ng ikalawang dose.

Sinabi ng Pfizer na makikipag-ugnayan na sila sa US Food and Drug Administration para maihain ang aplikasyon para sa Emergency Use Authorization.

Gagawin na ito ng kumpanya anumang araw o bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...