Bantang academic strike ng mga estudyante hindi ikinabahala ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2020 - 05:59 AM

Hindi ikinabahala ni President Rodrigo Duterte ang panawagang protesta ng ilang malalaking colleges at universities sa Metro Manila bunsod ng pagkadismaya nila sa pagtugon ng gpbyerno sa pandemic ng COVID-19 pandemic at sa mga nagdaang bagyo.

Sa kaniyang televised public address, hinamon pa ng pangulo ang mga estudyante na itigil na ang pag-aaral at patuloy na lang na batikusin ang pamahalaan.

Mas mainam siguro ayon sa pangulo na bantayan na lamang ng mga estudyante ang mga paparating na bagyo at alamin kung sino ang mga nangangailangan ng tulong.

Nagbabala din ang pangulo na ihihinto ng gobyerno ang pagpondo sa University of the Philippines na aniya ay wala naang ginawa kundi ang mag-recruit ng mga komunista.

“Sige. ‘Yung eskwelahan. UP? Fine. Maghinto kayo ng aral. I will stop the funding. Wala naman ginawa itong mga ano kundi magrecruit ng mga komunista diyan.]” ayon sa pangulo.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inumpisahan na ang acdemic strike sa Ateneo de Manila University.

Ayon sa mga estudyante, sa panahon ng strike ay hindi sila magsusumite ng school requirements bilang pagprotesta sa hindi maayos na pagtugon ng gobyerno sa kalamidad at pandemya.

 

 

 

TAGS: academic protest, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, up, academic protest, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.