Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 58,528

By Mary Rose Cabrales November 18, 2020 - 05:21 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (November 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 337 na bagong kaso kaya pumalo na sa 58,528 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,793
Laguna – 15,833
Batangas – 10,167
Rizal – 12,102
Quezon – 4,633

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,498.

Nasa 49,481 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 393 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,081
Laguna – 14,309
Batangas – 9,220
Rizal – 10,395
Quezon – 2,476

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na sa 1,549 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 329
Batangas – 293
Rizal – 395
Quezon – 126

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, calabarzon, covid cases, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, calabarzon, covid cases, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.