Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 14,787 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, November 17, 12NN), 14,787 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 335 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 938.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 16,060.

Samantala, nasa 7,264 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

Read more...