State of calamity sa buong Luzon idineklara ni Pangulong Duterte
Isinailalim sa state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon.
Pagtugon ito ng pangulo sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ng mga naranasang pagbaha at iba pang epekto ng mga nagdaang bagyo.
Sa kaniyang televised speech, sinabi ng pangulo nilagdaan na niya ang proklamasyon para sa pagdedeklara ng state of calamity.
Magugunitang magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ang puminsala sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa ilalim ng deklarasyon, magagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang quick response fund para sa pagtugon sa mga nasalanta ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.