Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 27.22-M
Umabot sa mahigit 27.22 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.
Sa datos ng DOTr, nasa 27,224,246 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.
Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang November 16.
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 13,149,424
LRT-2 – 3,654,294
MRT-3 – 8,411,942
PNR – 2,008,586
Umabot naman sa 24 train sets ang nakakatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, lima sa LRT-2, 22 sa MRT-3 at 10 sa PNR.
Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.