Higit 800 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

By Angellic Jordan November 17, 2020 - 08:46 PM

Umabot sa 815 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (November 16), hanggang 5:00, Martes ng hapon (November 17).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 426 kung saan 256 ang adult habang 170 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 342.

Wala namang nahuling hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, pito ang nahuling umiinom, anim ang naninigarilyo habang 33 sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.