VP Robredo bumisita sa Polillo Island, Quezon

OVP photo

Personal na binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga apektadong residente ng mga nagdaang bagyo sa Polillo Island, Quezon.

Ito ay bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Kasama ni Robredo si Mayor Cristina Bosque at iba pang lokal na opisyal sa lugar.

Nakatanggap ng relief assistance mula sa Office of the Vice President ang mga residente sa bahagi ng Barangay Sibulan.

Maliban dito, nabigyan din ang iba pang bayan na matinding tinamaan ng bagyo kabilang ang Burdeos, Real, Jomalig, Patnungunan, Infanta at General Nakar.

OVP photo
Read more...