20 pang residente sa Mandaluyong City, gumaling sa COVID-19
Napaulat ang 20 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:15, Martes ng hapon (November 17), 5,703 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 126 ang aktibong kaso.
Isa naman ang itinuturing na probable cases habang 300 ang suspected cases kung saan 22,936 ang cleared na.
16 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,394 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 183 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.