Magnitude 4.4 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Surigao del Norte, Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 74 kilometers Northeast ng Burgos.

Naramdaman ang pagyanig bandang 6:28 ng gabi.

20 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala at intensities sa Burgos at mga kalapit-lalawigan.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...