Pagpapataw ng buwis sa online sabong at iba pang offsite-betting, aprubado na ng komite sa Kamara

By Erwin Aguilon November 17, 2020 - 06:33 PM

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukala para patawan ng buwis ang electronic-sabong at iba pang mga offsite-betting sa locally-licensed games.

Sa ilalim ng House Bill 7919 na inakda ni Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, ang buwis na ipapataw ay mula 5 porsyento ng gross revenue ng offsite betting games ng mga locally licensed games, hiwalay ito sa buwis na nire-require ng LGUs, at regulatory fees at charges mula sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim nito, binibigyang kapangyarihan ang BIR na i-accredit at inspeksyunin ang mga device na ginagamit para ma-verify ang tax assessments.

Sabi ni Salceda, inaasahang makakalikom ang pamahalaan ng mas malaking kita kumparabsa P13.7 milyong koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong 2019.

Paglilinaw ni Salceda, ang mga operasyon ng sabong at iba pang betting games ay ligal naman salig na rin sa local ordinances, ngunit itinuturing naman ng kongresista na “gray area” ang electronic na aspeto nito.

Dahil malabo ang online sabong at iba pang electronic-betting activities ay hindi nababantayan ng pamahalaan ang operasyon ng mga ito sa online at hindi rin nakakasingil ng buwis sa ganitong mga aktibidad.

Ayon naman kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, aabot sa P50 Billion kada taon ang nasabing industriya pero hanggang ngayon ay hindi makakolekta ng revenue dito ang LGUs.

TAGS: 18th congress, BIR, buwis, GAB, Inquirer News, offsite-betting, Oneline sabong, Radyo Inquirer news, 18th congress, BIR, buwis, GAB, Inquirer News, offsite-betting, Oneline sabong, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.